Wednesday, October 12, 2011

"ABOUT MYSELF"

Ako si Van Henric Alegado, 24 taong gulang na nakatira sa Purok 19 Bayanihan, Fatima, General Santos City.  Pinanganak ako noong ika-25 ng Oktubre taong 1987. Ako ay may taas na  5' 6” at may timbang na 52 kg. Kayumangg ang kulay ko at medyo payat ang pangangatawan. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.
 Mahilig akong makipagkaibigan at tumulong sa kapwa. Mahilig akong maglaro ng basketball at dota kasama ang mga kaibigan ko.
Marunong akong tumugtog ng gitara.
Ang paborito kong ulam ay letchon, kalderetang kambing, at maanghang na pagkain. Mahilig din akong kumain ng ibat-ibang klase ng prutas.
Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Golden State College sa kursong Computer Hardware. Nakapagtapos na ako ng kursong Electronics Technology noong 2007 sa Gensan Institute of  Technology. Nag-aral ako ulit para mas marami pa akong matutunan at para madali rin ako makahanap ng trabaho pagdating ng  panahon. Marunong na ako gayong  magkumpuni ng mga sirang kompyuter.

No comments:

Post a Comment