Ang bawat paaralan ay nagsasagawa ng intramurals bawat taon hindi lamang para hubugin ang talino ng mga mag-aaral kundi upang hikayatin din sila na ipakita ang kanilang mga talento sa larangan ng palakasan, sining, at musika . Isa din sa layunin ng programang ito ay ang makapagbigay aliw sa bawat mag-aaral at pagkakaroon nila ng pagkakataon na makasalamuha nila ang kapwa mag-aaral sa ibat ibang kurso at baitang.
Isa sa mga nagdiwang ng intramurals ngayon ay ang Goldenstate College. Ito ay ginanap noong ika-26 hanggang 30 ng Setyembre. Iba’t ibang programa ang inihahanda ng paaralan sa okasyong ito. Isa sa inaabangan ng mga guro at mag-aaral ay ang paligasahan ng ganda at talino, ang Mr. and Ms. Goldenstate College. Nagsagawa rin sila ng mga palaro tulad ng basketball, volleyball, kickball, pagtakbo at marami pang iba. Mayroon ding paligsahan sa newscasting, pagkanta at pagsasayaw. Ang mga patimpalak na ito ay nilalahukan ng mga mag-aaral sa ibat ibang kurso. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng gantimpala sa mga nanalo sa mga paligsahan.
No comments:
Post a Comment